Add parallel Print Page Options

16 At iyong titipunin ang buong nasamsam doon, sa gitna ng lansangan niyaon, (A)at iyong susunugin sa apoy ang bayan, at ang buong nasamsam doon, na bawa't putol, ay sa Panginoon mong Dios; at (B)magiging isang bunton ng dumi magpakailan man; hindi na muling matatayo.

17 At (C)huwag kang magsasagi ng bagay na itinalaga sa iyong kamay: upang (D)talikdan ng Panginoon ang kabagsikan ng kaniyang galit, at pagpakitaan ka niya ng kaawaan, at mahabag sa iyo at paramihin ka, na (E)gaya ng isinumpa niya sa iyong mga magulang;

18 Pagka iyong didinggin ang tinig ng Panginoon mong Dios, (F)na iyong gaganapin ang lahat ng kaniyang mga utos na aking iniuutos sa iyo sa araw na ito, na iyong gagawin ang matuwid sa paningin ng Panginoon mong Dios.

Read full chapter